Kita Kita (I See You) tells the story of Lea and Tonyo, two Filipinos living in Sapporo, Hokkaido, Japan. While this was originally intended to be a movie review, I've decided to write 10 (random) things about my experience while watching the movie instead. And in keeping up with the spirit of the movie, I've written the reasons in Filipino. 

cdeo.ph

ISA. Isang sandali, isang saglit. Pabugso-bugsong desisyon na manood ng sine. Layuning sumaya at makalimutan ang mga bagabag ng pansamantala - panandaliang nakamit ngunit napalitan din ng damdaming nagdadalamhati. (Leche ka Tonyo!)

DALAWA. Pangalawang beses kong pinanood ang pelikula. Ewan ko ba kung anong inaasahan ko. Ang mabago ang istorya? 

TATLO. Tatlong minuto lang ang kinailangan para malamon ang pagkaing dala. Iyong tipong gusto mo sanang namnamin ang pagkain pero mas nanaig ang kagustuhang makapokus sa pinapanood. 

APAT. Puso, saging, repolyo, tutubi. Apat na bagay na magpakailanman ay mababago na ang kahulugan.

LIMA. Limang sunod-sunod na lagok ng inumin para lang mapigilang ngumawa. 

ANIM. Anim na rolyo ng tissue ang kakailanganin mo para lang punasan ang luha ng katabi mo.  (Hi Precious Queenie! :* ) Dagdagan mo na rin ng anim pa para sa iyo dahil nabubulunan ka  sa kakalagok ng inumin mo.

PITO. Pitong beses mong mahahampas ang katabi mo o di kaya ay ikaw ang hahampasin niya. (Jack en Poy na lang muna kaya kayo para walang pagkakaibigang matapos sabay sa pagwawakas ng pelikula.)

WALO. Walong beses mong paulit-ulit na kukumbinsihin ang sarili mong pupunta ng Japan ora mismo at sumayaw sa lahat ng lugar na pinuntahan ni Lea at Tonyo.

SIYAM. Siyam na beses mo ring kailangang paulit-ulit na ipaalala sa sarili mo na naghihirap ka nga pala dahil isa kang responsableng mamamayan ng lipunan na kailangan magtrabaho para buhayin ang iyong sarili at sandaang anak. (P.S. Accepting donations for Law School tuition. haha :D )

SAMPO. Sampong minuto mong susumpain at tatawagin ng kung anu-anong makukulay na salita ang taong nag-isip na buksan agad ang ilaw sa sandaling natapos ang pelikula. (Konting oras naman bes para ayusin sarili namin. Tumutulo pa kaya sipon namin. haha )

And there goes my random thoughts. hahaha :D Where was I again? Oh yeah, this post was just meant to let me process my feelings after watching the movie for the second time. Iampo akong kalag, mag-trabaho na kuno ko. hahaha :D 

Comments