POEM: Siya na Dumating, Siya na Nanatili (An awkward attempt at a 'reversible' poem.)


cdeo.ph

Siya na Dumating

Tayo.
Ako.
Ikaw.
Sa wakas,
Magsisimula na ang kwento.

Tulad ng pagkakamali nila,
Nagkamali ako.
Naniwala pa rin ako.
Ang tamis ng pag-ibig,
Mga pangakong binitawan,
Pagmamahalang walang hanggan.

Ngunit dumating ka at sa wakas ay aking napagtanto.
Walang puwang ang pag-ibig.
Walang katotohanan ang pagmamahalang wagas.
Ilang ulit nang napaso,
Ilang ulit nang umasa,
Sa magandang litrato ng "tayong dalawa".

Ang siklong walang hanggan:
Nagmahal.
Nasaktan.

'Eto na. Ito na sana.
Ngunit sabi ko nga,
Si Tanga di pa rin nadala.
Isa pa.
Pangako, huling subok na talaga.

Siya na Nanatili

Pangako, huling subok na talaga.
Isa pa.
Si Tanga di pa rin nadala.
Ngunit sabi ko nga,
'Eto na. Ito na sana.

Nasaktan.
Nagmahal.
Ang siklong walang hanggan.

Sa magandang litrato ng "tayong dalawa".
Ilang ulit nang umasa,
Ilang ulit nang napaso.
Walang katotohanan ang pagmamahalang wagas.
Walang puwang ang pag-ibig.
Ngunit dumating ka at sa wakas ay aking napagtanto.

Pagmamahalang walang wagas.
Mga pangakong binitawan.
Ang tamis ng pag-ibig.
Naniwala pa rin ako.
Nagkamali ako,
Tulad ng pagkakamali nila.

Magsisimula na ang kwento.
Sa wakas.
Ikaw.
Ako.
Tayo.

This is what happens when boredom threatens to suck your soul dry. The sweltering afternoon heat and the lack of electricity - at the time - not helping either. You go out of the house, you die. You stay inside, you die. haha :D Jackpot! Oh well, at least 30 minutes passed without me dropping dead. I call this attempt a qualified success. hahaha :D 

Yes, the piece is still a bit awkward. Nope, Filipino is definitely not my strong suit. Hai, hai. I shall practice. Or I will try. That's if I remember this blog exists. Toodles!